Elementary pa lang ako noon, grade 4 nang nagpasya sina papa at mama na magmigrate na din sa America kasama ang iba naming relatives. Kami na lang kasi ang natira dito sa Pilipinas kaya minabuti na rin nilang umalis. Naiwan ko ang aking eskwelahan, mga kaklase at mga kaibigan. Namuhay kami sa Amerika, mahirap, nakakalungkot at nakakapagod. Nagdaan ang panahon, Magbibirthday na muli ako. 22nd birthday ko na.
Hiniling ko kay papa na bilang gift na lang ay babalik ako sa Pilipinas. Ako lang mag-isa, sumakay ng eroplano at lumapag sa lupang sinilangan. Sinalubong ako ng isang malayong kamag-anak. Hindi ko na siya matandaan pero nagpakilala siya bilang pinsan ng wife ng auntie ko. Maari daw sa kanila muna ako tumuloy pero tumanggi ako. Nagpahatid na lang ako sa pinakamalapit na hotel para palipasin ang gabi. Maganda yung hotel na natuluyan ko. May music lounge kung saan puro Jazz music ang aking naririnig. Nagseserve sila ng drinks at doon nga ako’y nagpalipas ng oras.
Kinaumagahan, nagising na lang ako sa loob ng room ko. Walang damit, pero may kasama. Tiningnan ko siya at naalala kong siya yung receptionist. Gigisingin ko na sana siya nang makita ko yung suot niyang singsing. She’s married and it seems like I nailed her last night. Hindi ko matandaan kung ano talagang nangyari pero dali-dali na lang akong nagcheck-out sa hotel at nagrent ng kotse. Nagdrive papunta sa aking probinsya, ang Batangas.
Binalikan ko yung luma naming bahay, ang laki na ng pinagbago. Hindi ko na ito makilala dahil sa may iba nang nakabili nito at ipina-renovate na din. Naglalakad lakad ako sa aming compound nagbabaka-sakaling may makitang kakilala. Wala na yung tindahan ni ka Virgin. Vulcanizing shop na ngayon ang bakery ni Ate Gigi. Nagbago na talaga ang lahat. Ang nanatili na lang ay ang bakanteng lote sa tapat ng aming bahay. Ganun pa rin ito bukod sa bakod na dating wala naman, may mga batang nagpapalipad ng saranggola, mga naghahabulan, at dalawang batang nakaupo lang sa ilalim ng puno ng Indian mango.
Naalala ko bigla si Shiela. Ang kababata ko noon na lagi kong kasama. Si Shielang bungi. Si Shielang iyakin. Si Shiela na matalik kong kaibigan. Si Shiela na parati kong kasamang sumilong sa mismong punong iyon. Ipinagtanong ko kung saan na ba siya nakatira ngayon. Maraming nagturo ng direksyon ngunit lahat sila iba iba ng itnuturo. Maraming may pangalang Shiela sa lugar namin at hindi ko din naman natatandaan ang kanyang apelyedo. Minabuti ko na lang na pumunta sa bayan at magcheck-in ulit sa isang hotel.
Kinabukasan naghanap na ako ng apartment na tutuluyan ko sa buong stay ko sa Batangas. Tatlong buwan, nanirahan ako doon. Tuwing umaga nagjojogging ako sa compound. Matapos ay pumupunta ako sa coffee shop para doon magbreakfast. Uuwi para lang maligo, tapos mamasyal na sa iba’t ibang pasyalan sa Batangas. Kadalasan nauuwi ang lahat ng aking pinupuntahan sa isang bar. Marami akong nakikilala, maraming grupong nasamahan. Pero kahit isa sa kanila ay wala akong balak na kaibiganin ng pangmatagalan. Nagsawa din ako sa ganoon at nabored. Lumuwas ako ng Manila at doon na lang nagstay.
Isang maulang gabi, inabot ako ng 4am sa isang bar. Lasing na lasing na umuwi at nagpahatid sa taxi. ‘di ko namalayang nawawala pala ang wallet ko. Ibinigay ko na lang ang Swiss knife ko sa taxi driver bilang kabayaran. Hindi ko alam ang gagawin ko noon dahil nandun sa wallet ko lahat ng pera at cards ko sa bangko. I tried to call my sister in Texas to send some cash kaso they are all out of town dahil anniversary pala ng aming grandparents. Early in the afternoon I received a text message. Sinabi dun na napulot daw niya yung wallet ko and let’s meet daw sa isang coffee shop a few blocks away from my crib. Sobrang saya ko lalu nang mabasa ko sa last part ng txt message ay nakalagay na “toy di ka nagiingat. -Shiela“
Clearly, siya nga si Shielang bungi. Siya lang yung tumatawag sa akin ng ‘toy’ Excited na akong makita siya. 1hr ahead of our meeting ako dumating. I don’t know what have I been thinking kasi may dala akong flowers for her. And then she came. Ganun pa rin siya, mahaba ang buhok, mapungay ang mga mata, mapula ang mga labi, pero hindi na bungi. Una siyang bumati sa akin ng isang malakas na totoy at niyakap niya ako. Nabigla ako at natawa na lang nang masabi kong “Shielang bungi di ka na bungi!” At nagtawanan na nga kami. Mahigit tatlong oras kaming nagkwentuhan at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ulit na nandito na nga talaga ako sa Pilipinas.
Napagpasyahan naming magkita muli kinabukasan para bumalik ng Batangas at bisitahing magkasama ang dati naming tambayan. Madaling-araw pa lang gising na ako. Iniayos ang mga gamit at sinundo na siya sa coffee shop na aming pinagkitaan. On the road, hindi maubos ubos ang aming kwentuhan, tawanan, lahat ng aming naalala sa aming kabataan. Mula sa mga kakatwang itsura noon ng aming mga teacher hanggang sa magagaliting guard ng aming school. Lahat ng yun aming napagkwentuhan at nabalikan.
Gabi na at pabalik na kami ng Manila nang niyaya niya ako sa isang convenient store para bumili ng makakain at pati na rin mga inuming alak. Nagdrive kami papunta sa isang cliff kung saan kami lang ang tao. Tahimik. We had fun. Naupo kami sa damuhan, nagkulitan, kwentuhan pa rin, habulan, hanggang sa umulan at napilitan kaming bumalik sa loob ng kotse at doon na lang ubusin ang natitira pang inumin.
Nakaramdam ako ng init. Siguro dahil na rin sa ininom naming alak at dahil na din sa basang basa kaming dalawa. Gustong gusto ko sanang hubarin yung shirt ko pero nahihiya ako sa kanya. To my surprise sinabi niya sakin na “Just take it off Robin. I won’t mind. Baka sipunin ka pa niyan.” Hinubad ko ang shirt ko and after that nakita kong naghubad din pala siya. Hindi ko na mapigilan ang init ng katawan ko lalu na nang nagkatitigan na kami at nagsimula maglapat ang aming mga labi. We were kissing gently, naglapat ang aming katawan at hinayaan ang kung ano mang init na nagtutulak sa amin para gawin ito.
Tumigil na ang ulan, magkayakap kaming dalawa. Nagtapat ako sa kanya na kahit ilang taon na ang nakalipas, hinding hindi ko siya nakalimutan. Lagi ko siya iniisip at siya ang dahilan ng pagbalik ko dito sa Pilipinas. Naluha na lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak pero niyakap ko na lang din siya ng masmahigpit pa. At matapos ang tagpong yun umuwi na kami ng Manila. Doon ulit sa coffee shop ko siya iniwan dahil ayaw niyang magpahatid sa kaniyang condo bahay. Paguwi ko ay tinawagan ko siya sa telepono at niyaya ko siyang lumabas ulit kinabukasan. Pumayag naman siya at tila excited pa nga.
Sa loob ng isang buwan, araw araw kaming umaalis. Marami kaming napasyalan mula Luzon hanggang Mindanao. Para kaming bagong kasal na nagha-Honey moon. Iyon na yung pinakamasayang moments ng buhay ko. Ngunit isang bagay pa rin ang hindi ko maintindihan, yun ay yung hindi pa rin siya nagpapahatid sa kanyang bahay. Kaya naman isang gabi, papauwi na kami galing Tagaytay nang tinanong ko siya kung bakit nga ba hindi siya nagpapahatid. Wala siyang naisagot kundi “Hindi kasi pwede.” At sa tono ng kanyang pagsasalita ay wala na akong lakas ng loob pang tanungin siya ulit ng tungkol sa bagay na yun.
Ibinaba ko na siya sa coffee shop, nagpaalam at umuwi na rin. Pagdating ko sa bahay, nagtext siya na hindi na daw kami maaring magkita muli. Ayun lang biglang hindi ko na siya macontact. Ginawa kong tambayan ang coffee shop. Hinihintay ko siya dun araw-araw pero hindi ko na siya nakita. Lumipas ang isang linggo at nangungulila na ako sa kanya. Wala akong magawa dahil hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang makita ko siya sa telebisyon. May iniinterview na isang pulitiko, andun siya nasa likod. Live yung interview at nakita kong nasa Manila City Hall lang sila. Dali dali akong bumaba ng building at nagdrive papunta dun. Hinanap ko siya dun. Ipinagtanong, natagpuan ko siya ngunit iniwasan niya ako. Sumakay siya sa isang kotse, at muling naglaho sa aking buhay.
Makalipas ang tatlong araw, nakatanggap ako ng isang package. Maliit lang ito at manipis. Nang binuksan ko, isa itong CD. Ni-play ko sa laptop at nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng nagsasalita, nagpipigil ng luha. Si Shiela. Sinabi niya sa akin kung gaano siyang nagpapasalamat na nagkita kaming muli, na mahal na mahal niya din ako mula pa nung pagkabata, na simula nang umalis kami dito sa Pilipinas ay lagi niya akong hinahanap. Ginawa daw niya ang lahat macontact lang akong muli. Sinabi niyang pinakamasayang sandali sa kanyang buhay ay noong basang basa kami sa ulan sa loob ng aking kotse. Bawat sandali noon ay kanyang itinatak sa kanyang isipan. Pero umamin siyang may asawa na siya. Asawa siya ng isang City Councilor. Hindi niya nasabi sa akin sapagkat hindi niya alam kung paano. Wala siyang nagawa dahil sabik na sabik din daw siya sa akin. Ngunit may nakakita daw sa amin kaya pinutol niya agad ang kung ano mang mayroon kami dahil ayaw niyang manganib pa ang buhay ko. Produkto siya ng isang fixed marriage. Siya ang ibinayad para sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya noon sa Batangas. Pumayag na rin daw siya dahil wala na naman daw ako noong mga panahong yun. Kung wala lang daw siyang anak, sasama na siya sa akin. Nagpaalam siya at sinabing yun na daw ang huling mensaheng matatanggap ko mula sa kanya.
Nang mawala na ang imahe niya sa screen, nagsimula akong maluha. Ilang araw na umiinom. Nagpapakalasing. Kinakalimutan ang sakit. Ang frustration. Nagalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko. Pero wala na akong magawa kundi tanggapin ang lahat. Nagpabook na ulit ako ng ticket pauwi sa pamilya ko. Dalawang araw na lang aalis na ako. Nabalitaan naman ata ‘to ni Shiela. At kanina nga ay tumawag siya at sinabing:
‘toy, magiingat ka at tandaan mong ikaw lang kaisa-isa kong minahal. Sana maintindihan mo ang aking sitwasyon. By the way, it’s Robin’s 3rd birthday next week. Alam kong ‘di ka makakapunta pero gusto kong malaman mong lagi pa rin kitang kasama, Robin.